--Ads--

CAUAYAN CITY – Maililipat na sa Department of Education sa Cordillera Administrative Region (DepEd-CAR) si Regional Director Estella Cariño ng DepEd region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Cariño na ang pagkakalipat ng mga third level official ay nasa polisiya ng DepEd at maging ang mga principal ay dapat na kada limang taon ay mailipat sa ibang lugar.

Ayon kay Dr. Cariño, dapat ay noon pang Enero at Hunyo ito gagawin pero dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi natuloy.

--Ads--

Ngayong buwan o sa unang bahagi ng Nobyembre 2020 maililipat si Dr. Cariño sa DepEd-CAR.

Papalitan  siya ni Regional Director Benjamin Paragas na tubong lalawigan ng Quirino ngunit nakatalaga ngayon sa  MIMAROPA.

Gaganapin  ang turnover ceremony sa pamamagitan ng virtual.

Ayon kay Dr. Cariño, ang hindi niya makakalimutan habang siya ay nasa Lambak ng Cagayan ay ang pagpunta niya sa mga malalayong paaralan pangunahin na sa mga coastal towns para personal na makita ang kanilang mga pangangailangan.

Nagpasalamat si Dr. Cariño sa lahat ng naging suporta ng kanilang mga stakeholders sa loob ng halos limang taon na kanyang pananatili sa rehiyon dos.

Ang pahayag ni Regional Director Estella Cariño.