--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinimok ng Public Employment Service Office (PESO) sa Cauayan City ang mga naghahanap ng trabaho na lumahok sa Labor Day Regional Jobs Fair na gaganapin bukas, May 1, 2019 sa F.L. Dy Coliseum sa Rizal Avenue, Cauayan City.

Target ng PESO Cauayan City na magkaroon ng 500 aplikante bukas para sa local at overseas employment.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PESO Manager Joycelyn Tagudando na ngayong araw ang registration ng mga aplikanteng lalahok sa job fair bukas.

Maidadagdag sa mga iaalok na trabaho sa ilalim ng Build Build Build Program ng pamahalaan kaya dadalo rin sa job fair ang kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

--Ads--

Ayon kay Gng. Tagudando, magandang pagkakataon ang Labor Day Jobs Fair sa mga nais magkaroon ng trabaho dahil maraming business establishment sa Cauayan City at iba pang lugar sa region 2 ang naghahanap ng mga empleyado.

Samantala, sa isasagawang Business Fair bukas ay tatalakayin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga programa para sa mga negosyante.

Maliban sa mga opisyal ng Department of Labor and E mployment (DOLE) ay dadalo rin sa regional jobs fair ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pa.

Inaasahan ang pagdalo sa regional jobs fair ni Atty. Federico Abuan Jr., ang Assistant Secretary ng DOLE.