--Ads--

CAUAYAN CITY- Abala na ang hanay ng Schools Division Office ng Cauayan sa paghahanda para sa nalalapit na Regional Schools Press Conference 2025 na gaganapin dito sa lungsod ng Cauayan nitong April 6-9

Aminado ang opisina na challenging ang maghost para sa ganitong event dahil sa dami ng kailangang iprepare kaya naman tuloy tuloy na anh ginagaea nilang paghahanda

Ayon kay SDO Cauayan Superintendent Cherry Ramos hindi pa tapos ang kanilang preparasyon dahil bukod sa accomodation ay may iba pa silang aasikasuhin pagdating sa documentation

Aniya, tiwala naman siya na bago ang RSPC ay handa na ang SDO Cauayan para sa kaabang abang na aktibidad ng mga estudyante

--Ads--

Nagpasalamat din ito sa hanay ng mga guro na kasama nilang abala rin sa paghahanda ng mga rooms at pasilidad na gagamitin

Umaasa rin ito na magiging matagumpay ang kanilang hosting ng RSPC at maibigay ang lahat ng kanilang makakaya para sa pangangailangan ng mga deligado