Nagbabala ang Regional Security Unit 2 sa mga gun owners na maging responsable upang maiwasan ang revocation ng mga License to Own and Possess Firearms o LTOPF.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt John Paul Collado, Firearms and Explosives Section Chief ng Regional Civil Security Unit 2 sinabi niya na nakatakda silang magsagawa ng LTOPF Caravan sa ika-11 ng Abril sa Isabela State University-Echague Main Campus pangunahin sa Climate Change Building.
Pinaalalahanan naman niya ang mga nagnanais na magparehistro ng kanilang baril na sila ay dapat pumasa sa Neuro-Psychiatric Exam, Drug test saka sila mag-aapply ng notarized application form para sa LTOPF at notarized affidavit of undertaking.
Kailangan naman dito ang isang valid ID, Certificate of Gun Safety, Proof of Income, National Police Clearance, PSA Birth Certificate o passport, Proof of Billing at dalawang 2×2 picture with name tag.
Karamihan ay renewal ang mga nagtutungo sa caravan ngunit magkakaroon din ng firearms registration ang Regional Security Unit 2.
Hindi naman kailangang dalhin ang mga baril sa pagpaparehistro dahil sa umiiral na Comelec Gun Ban.
Maliban sa Echague ay makakaroon din sila ng LTOPF Caravan sa Diffun Quirino sa April 24 at maging sa Nueva Vizcaya ngunit sa ngayon ay wala pang tiyak na araw o schedule.
Kapag rehistrado na ang baril ngunit nagamit sa krimen ay maaring marevoke ang LTOPF ng may-ari.
Pinaalalahanan niya ang mga gun owners dahil sa umiiral na gun ban ay ipinagbabawal ang pagdadala ng baril kahit pa may lisensya at kapag nasasangkot sa kaguluhan ay huwag pairalin ang init ng ulo at maging responsableng gun owner.