CAUAYAN CITY – Naaresto ang isang babae na binansagang top most wanted person o Number 1 WCPD Regional level sa Cauayan City.
Ang akusado ay kabilang sa LGBTQ, 32-anyos, at residente ng Alinam, Cauayan City.
Naaresto ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto na inilabas ni hukom Mary Jane Socan Soriano, Presiding Judge ng Second Judicial Region, Regional Trial Court Branch 19, Cauayan City, sa kasong 9 counts of rape at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, matagal nang binansagang WCPD Regional level Number 1 most wanted person ang akusado.
Dinala ang akusado sa Cauayan City Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.