CAUAYAN CITY – Magsisimula na ngayong araw ang registration para sa barangay elections na nakatakdang ganapin sa buwan ng Disyembre.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Election Supervisor Atty. Manuel Castillo ng COMELEC Isabela, sinabi niya na tatagal hangang sa ikadalawampu’t tatlo ng Hulyo ang registration at bukas ang mga tanggapan ng COMELEC kahit araw ng sabado at holidays. Gayunman ay mananatili ang regular na oras ng opisina mula araw ng Lunes hanggang Biyernes.
Ipinalabas na ng COMELEC ang resolution na nagmamando sa mga election offices na magresume ng registration. Ang kaibahan lamang nito sa National and Local elections ay ang maiksing panahon upang makapagparehistro ang mga botante.
Batay din sa resolution ng COMELEC, magsasagawa sila ng Satellite registration sa unang linggo upang maitala ang mga kabataan na edad labing lima pataas na para namana sa Sanguniang Kabataang Elections.
Puntirya ng COMELEC Isabela na maipatala sa Barangay Elections ang mahigit limang bahagdan ng rehistradong botante sa lalawigan hanggang sa ikadalawampu’t tatlo ng Hulyo.