CAUAYAN CITY- Inaaasahang bubuksan na sa susunod na linggo ang kabuuan ng Alicaocao Overflowbridge matapos isailalaim sa rehabilitasyon ang approach nito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Order and Safety Division Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na refilling na lamang ng semento sa approach ng tulay ang ginagawa sa ngayon.
Aniya, kapag natapos na ang refilling ay kinakailangan pang mag-antay ng pitong araw para sa drying period.
Mayroon naman aniyang inilalagay na chemical ang City Engineering Office para mas mapabilis ang pagpapatigas sa mga semento.
Sa ngayon ay one-way lamang ang bukas na dadaanan ng mga sasakyan kaya nakararanas ng medyo mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.
Pina-prioritize naman nila ang mga estudyante lalo na tuwing school days para hindi sila mahuli sa kanilang klase.
Aniya, ‘very cooperative’ naman ang mga residente pangunahin na ang mga motorista dahi lahat naman umano ng dumadaan sa tulay ay sumusunod sa mga panuntunan.
Irerekomenda naman nila sa pamahalaang panlungsod ng Cauayan na kapag natapos na ang rehabilitasyon sa Alicaocao Overflow Bridge ay ipagbabawal na na nila ang pagdaan sa tulay ng mga mabibigat na mga sasakyan.
Ito ay upang masiguro na hindi masira at tuluyang bumigay ang naturang tulay dahil nasa 15,000 kilos na lamang ang kayang kargahin ng tulay.
Kung sakali man na maaprubahan ay sa umaga lamang bubuksan ang tulay at isasara ito pagssapit ng hatinggabi upang masiguro na walang makalusot na mga malalaking sasakyan.
Kasalukuyan naman na ang konstruksyon ng mga ipinapatayong all weather bridge sa bahagi ng brgy. San Pablo, Cauayan City na inaasahan namang matatapos sa loob ng dalawang taon.