--Ads--

CAUAYAN CITY- Inirereklamo ng ilang mga residente sa bayan ng Reina Mercedes, Isabela ang umano’y mabaho at  maruming supply ng tubig mula sa Reina Mercedes Water District.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay alyas “Boy”, residente ng nasabing bayan sinabi niya na isang linggo na silang nagtitiis sa hindi magandang kalidad ng tubig na isinu-supply sa kanila ng water district dahil hindi na din nila ito magamit sa panlaba at panluto.

Tuloy-tuloy naman umano ang supply ng tubig ngunit ang tanging problema lamang ay mabaho at maumi ito at  aniya, madalas mangyari ang ganitong sitwasyon.

Nag-titiis na lamang aniya sila na maki-igib sa mga may poso sa kanilang barangay.

--Ads--

Marami na ang dumulog sa nasabing ahensiya kaugnay sa mabahong supply ng tubig ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa din silang aksyon.

Nanawagan naman siya sa Reina Mercedes Water District na ayusin ang kanilang serbisyo dahil bukod sa nagdudulot ito ng abala ay apektado pa ang kalusugan ng mga residente.

Samantala, aminado naman ang pamunuuan ng Reina Mercedes Water District na nagkukulang sila sa supply ng tubig dahil  sa El Nino Phenomenon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jerome Josue, General  Manager ng Reina Mercedes Water District, sinabi niya na upang natugunan ang kakulangan sa supply ay napag-kasundun nila ng Local Government Unit ng Reina Mercedes na gamitin na lamang ang hindi ginagamit na pumping station  na pagmamay-ari ng LGU.

Aniya, doon nagmumula ang tubig na may discoloration na naisusuplay sa nasa limang Barangay sa Reina Mercedes.

Nagsagawa na umano sila ng physical at chemical test sa tubig at pumasa naman aniya ito at bumagsak lamang sa color test ngunit tiniyak niya na hindi naman ito delikado sa kalusugan.

May posibilidad din aniya na masyadong malalim ang pinanggagalingan ng tubig sa kanilang well o balon at maaari umano na hindi maganda ang kalidad ng tubig doon na siya na namang nai-sususpply sa kanilang mga member consumer.

Balak naman nila ni i-retreat ang tubig mula sa pumping station sa pamamagitan ng paglalagay ng chlorine upang matanggal ng discoloration ng tubig.

Naghain na din sila ng proposal sa LGU para sa filtration ng kanilang isinusupply na tubig ngunit malaki aniya ang magagastos dito lalo na at umaasa lamang sila sa mga nakokolekta nila sa kanilang mga member consumer.

Sa ngayon ay hindi pa nila matiyak kung kailan babalik ang malinis na supply  ng tubig dahil hanggat nararanasan ang mainit na panahon ay patuloy nilang gagamitin ang pumping station ng LGU.

Humingi naman siya ng paumanhin sa kanilang mga member consumer na apektado ng marumi at mabahong tubig.