CAUAYAN CITY- Binuksan sa konseho ang usapin hinggil sa hinaing ng.ilang mga magulang sa lungsod tungkol sa mga naninigarilyo at gumagamit ng vape sa mga pampublikong lugar dito sa lungsod.
Maging ang paggamit ng vape sa mga establisyemento ay isa rin sa mga idinudulog ng ilang mga residente.
Sa isinagawang sesyon ngayong araw ng mga lehislador, isa sa mga pinag usapan ay tungkol sa dito.
Ayon sa konseho, mayroong nang umiiral na no smoking policy sa lungsod ngunit hindi nito sakop ang paggamit ng vape.
Aminado rin ang kapulungan na may kakulangan sa implementasyon ng pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Siyudad.
Ayon kay City Councilor Thea Aves Garcia, nakakabahala kung hindi ito maaksyunan agad lalo pa at marami ang nagrereklamo.
Aniya, bilang isang nurse batid niya ang masamang idudulot nito sa publiko lalo na sa mga bata.
Kaya naman, inihain nito sa konseho na magsagawa ng hearing upang pag usapan kung papaano ang epekttibong implementasyon nito.











