--Ads--

Dahil sa pandemiya ay dumadami ang natatanggap na reklamo at talamak ang online selling ay muling nagpaalala ang DTI Isabela sa mga mamimiling tiyakin na ang kanilang ka transaksiyon ay lehitimong negosyante.

Paalala ng DTI sa publiko na iwasan ang makipag transaksiyon sa mga seller na walang physical business permit na walang pisikal na address.

Dagdag pa ng DTI na mas mainam na lamang na makipag uganayan sa mga lehitimong platform dahil maganda ang nagiging daloy ng mga reklamo kung lehitimong platform ang ka transaksiyon dahil sinusunod nila ang mga patakaran ng DTI gayun nadin ang pagbibigay ng refund.

Karamihan sa mga reklamong natatanggap nila ay ang mga consumer na mali ang natanggap na item habang may iba namang na biktima ng scam kung saan nauna silang nakapagbayad subalit walang natanggap na produkto.

--Ads--

Iginiit naman ni Provincial Director Winston Singun na sa kasalukuyan ay wala silang sapat na kakayahang matukoy ang mga seller na tinuturing na scammer dahil sa kawalan ng sapat na impormasyon.

Ang bahagi ng pahayag ni Provincial Director Winston Singun ng DTI Isabela.

Samantala pinasinayaan ng Department of Trade and Industry o DTI Isabela ang kanilang Consumer Welfare Assistance Center o CWAC sa pamilihang Lunsod ng Santiago kasabay ng kanilang pagdiriwang sa Consumer Welfare Month na may temang digital consumer the new normal.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Winston Singun ng DTI ISabela sinabi niya na Maraming  aktibidad ang inihanay ng DTI Isabela para sa selebrasiyon ng consumer welfare Month ngayong buwan ng oktubre tulad ng pamamahagi ng livelihood kits.

Aniya, maliban sa pagpapasinaya sa CWAC ay binuksan rin nila ang Timbangan ng Bayan sa pamilihang Lunsod maliban pa sa  virtual launching ng kanilang Regional Office kung saan nagkaroon ng programa.

Kasabay ng Consumer Welfare Month ay ine-enganiyo nila ang mga LGU at establisyimento na magsabit ng Consumer Welfare Month,maliban pa sa Ilulunsad nilang provincial enforcement kung saan magsasagawa sila ng malawakang monitoring sa ibat ibang establisyimento sa buong Probinsiya

Inihayag ni Provincial Director Singun na pangunahing pangangasiwaan ng CWAC ang mga ireklamong maaaring idulog sa DTI.