--Ads--

Simula ngayong 2025, gagawin nang taon taon ang renewal ng prangkisa sa lungsod ng Cauayan para sa mga tricycle driver.

Alinsunod ito sa bagong ordinansa kung saan mula sa dating 3 years na expiration ng prangkisa ay  gagawin na lamang isang taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Business Permit and Licensing Officer, Atty. Sherwin De Luna, sinabi nito na alinsunod ang bagong sistema sa inaaprubahang ordinansa ng City Government

Sa ilalim din nito, mula sa dating 200 pesos na binabayaran ng mga tricycle driver itinaas na ito sa 400 pesos para sa renewal ng prangkisa alinsunod din sa bagong revenue code

--Ads--

Ayon sa opisyal, hanggang March 15 lamang ang deadline ng mga driver at operator para makapag renew.

Sakaling bigong kumuha ng bagong prangkisa, ibibigay ito sa mga ibang kumukuha

Samantala, wala namang pinagbago sa requirements na kinakailangan para sa renewal ng prangkisa kung saan kabilang pa rin dito ang Voter’s registration, Cedula, Brgy. Clearance, Updated OR/CR ng motor, Driver’s License,Valid ID at Police Clearance.