--Ads--

Pinabulaanan ni Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde ang paratang ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya na isa siya sa mga kongresistang sangkot sa umano’y mga kickback mula sa flood control projects.

Ang pahayag ay kasunod ng pagpapangalan ng mag-asawang Discaya sa mga kongresista at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umano’y tumatanggap ng hindi bababa sa 10% hanggang 25% na kickback sa bawat kontrata.

Matatandaan na pinangalanan ni Pacifico Discaya ng St. Gerrard Construction ang mga opisyal ng pamahalaan na nanghihingi sa kanila ng kickback sa bawat proyektong nahahawakan ng kanilang construction firm.


Ito ang isiniwalat ni Discaya sa kaniyang sinumpaang salaysay sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee at kabilang sa listahan ang aktor politician.

--Ads--