--Ads--

Walang katotohanan ang impormasyon na tinanggal bilang miyembro ng Commission on Appointments (CA) si AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones matapos itong mag-viral na nanonood ng sabong sa cellphone habang nasa session ng Kamara.

Ayon kay House Senior Deputy Minority Leader Caloocan City Rep. Edgar Erice, wala pang naitatalagang miyembro ng minorya para sa CA.

Diin naman ni House Deputy Minority Leader at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, walang inalis o aalisin na miyembro ng CA dahil hindi pa dito kabilang si Briones.

Binanggit naman ni Tinio na bukod sa CA ay wala pa ring miyembro ng minorya ang naitatalaga sa House of Representatives Electoral Tribunal.

--Ads--