--Ads--
Isininulong ni Rep. Sandroi Marcos ang ang House Bill 3661 isang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang pakikipagkontrata sa gobyerno ng mga kamag-anak ng mga opisyal ng pamahalaan hanggang ika-apat na antas ng pagkakamag-anak.
Ang HB 3661 ay isang simpleng hakbang ngunit may malalim na epekto sa pagpapalakas ng integridad sa serbisyo publiko.
Layunin nitong isara ang mga puwang sa batas na maaaring magamit ng mga opisyal upang bigyan ng pabor ang kanilang mga kaanak sa mga kontrata ng gobyerno.
Saklaw nito ang kamag-anak hanggang ika-apat na civil degree.
--Ads--
Habang tinatalakay pa sa Kongreso ang panukala, inaasahan niyang magkakaroon ito ng suporta mula sa mga mamamayan at mga kapwa mambabatas.









