Panahon na aniya upang baguhin ang partylist reform act sa bansa upang matiyak na talagang kabahagi ang mga Partylist nominee na kanilang inirerepresenta.
Ito ay matapos atasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang Kongreso na iprayoridad ang Party-list System Reform Act, at iba pang batas gaya ng Anti-Dynasty Bill, Independent People’s Commission Act, at Citizens Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA Act).
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingso. Political Analyst at Constitutionalist, sinabi niya na Party-list ay hindi lamang dapat para sa mga kilalang personalidad kundi para sa mga kabahagi talaga ng isang sektor na sinasaklaw ng kanilang grupo.
Masyado na kasing umanong ginagamit ng mga miyembro ng Political Dynasty ang sistema ng Party-list upang makakuha ng pwesto sa Kongreso kahit hindi naman sila miyembro ng kanilang inirerepresenta.






