--Ads--

Maraming Republicans ang natuwa sa ginawa ni US President Donald Trump sa pagpupulong nito kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky at US Vice-President JD Vance sa Oval Office.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Marissa Pascual, may sariling pinupunto ang dalawang presidente na hindi nagtutugma na naging dahilan naman upang hindi na matuloy pa ang dapat sana ay deal sa pagitan ng Ukraine at Estados Unidos sa joint mineral development sa Ukraine.

Sa kabila ng hindi natuloy na signing deal ay umapela si Zelensky sa Estados Unidos na ipagpatuloy ang pagtulong sa Ukraine at handa siyang pumirma sa mineral deal kay Trump basta maipaliwanag lamang ang security guarantees nito sa nasabing deal.

Matatandaang pinapasuko na ni Trump sa Ukraine ang teritoryong nais ng Russia upang matigil na ang digmaanat iginiit na magbubukas ito ng peace talks sa Russia at hindi kasama rito ang Ukraine.

--Ads--

Nagbanta rin ang pangulo ng pagtataas ng taripa at sanction sa Moscow kung ipagpapatuloy pa rin ng Russia ang pakikidigma sa Ukraine.

Ayon sa ilang Republicans, sa pagtulong ng Estados Unidos sa Ukraine ay dapat na mayroong kapalit at hindi lamang sila nagsasayang ng pera o pondo para rito.