--Ads--

CAUAYAN CITY- – Nagkakabit ng CCTV camera sa mga pangunahing lansangan upang makontra ang prank callers ng mga kasapi ng Rescue 113 ng Local Government Unit ng Echague, Isabela

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Christopher Palma, pinuno ng Resque 113 na suliranin nila ngayon ang mga prank callers sa kanilang hotline numbers.

Anya mayroong tumatawag sa kanilang tanggapan na nagsusumbong na mayroong naganap na aksidente subalit kapag kanilang tinugunan ay wala naman.

Upang makatiyak sila ay naglalagay na sila ng labing apat na CCTV camera mula sa junction ng Isabela State University Echague Campus hanggang Junction ng Ipil, maging sa junction area at sa paligid ng palengke na matatapos hanggang sa araw ng Biyernes.

--Ads--

Inihayag pa ni G. Palma na 24 oras ang operasyon ng Rescue 113 upang makatugon sa mga itinatawag sa kanilang tanggapan.

Mayroon na ring satellite office ang Rescue 113 sa barangay Narra upang matugunan at mapagsilbihan nila ang mga taga forest region ng Echague.