--Ads--

CAUAYAN CITY – Determinado pa rin ang rescue teams na mahanap ang nawawalang cessna 206 plane na mahigit isang buwan na ang nakakaraan

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Muncipal Disaster Risk Reduction Management Officer Engineer Ezikiel Chavez ng Divilacan, Isabela na sa kabila na pagod na ang mga Ground rescuers na umaakyat sa kabundukan ng sierra madre ay hindi pa sila nawawalan ng pag-asa na makita at matagpuan ang nawawalang cessna plane at mga pasahero nito.

Tuluy-tuloy na ang kanilang ginagawang ground serach and rescue operations dahil sa magandang lagay ng panahon.

Katuwang ng mga Local rescuers ang PNP K9 Unit, BFP, SAF at isang grupo ng Phil. Army sa pagsasagawa ng ground search and rescue operation.

--Ads--

Pinagtutuunan pa rin nilang puntahan ang 20-kilometer Radius mula sa cellsite ng Maconacon.

Sinabi niya na nakaakyat na rin ang rescue team sa pinakamataas na bundok ang mga rescue teams at malayo na sila sa command centers.

Maging ang mga bangin na mayroong signal ang cellphone ay kanilang sinusuri.

Mayroon ding mga rescuers ang nakakaranas ng ubo dahil sa malamig na panahon ngunit mayroong mga gamot at bintamina na iniinom upang mapalakas ang kanilang resistansiya.

Buwis buhay aniya ang ginagawa ng mga rescuers dahil sa matarik na mga lugar at bangin ang kanilang tinatahak .