--Ads--

CAUAYAN CITY- Tinupok ng apoy ang kabuuan ng isang bahay sa Purok 5, Raniag, Ramon, Isabela.

Ang nasunog na bahay ay pagmamay-ari ni Perlita Juan na residente ng nabanggit na lugar,

Batay sa insiyal na pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Ramon, nagsimula umano ang sunog sa nakasinding kandila na naiwan sa altar ng bahay.

Lumabas kasi ng bahay ang Ginang upang pakainin ang alaga nitong aso ngunit pagbalik nito ay tinutupok na ng apoy ang kaniyang tahanan.

--Ads--

Nagtulong-tulong naman umano ang BFP at ang mga residente na apulahin ang sunog ngunti nang dahil sa mabilis na kumalat ang apoy ay wala nang naisalba pa na kahit na isang gamit si Ginang Perlita maliban na lamang sa kaniyang kasuotan nang mangyari ang insidente.

Napag-alaman na mag-isa lamang niyang naninirahan sa kanilang bahay dahil ang mga anak nito ay nasa Lalawigan ng Tarlac.

Problema naman niya ngayon kung paano niya ipapaalam sa kaniyang mga anak ang pangyayari dahil kasama sa mga nasunog ang kaniyang cellphone.

Nanawagan naman siya ng tulong sa publiko para may magamit siyang panimula.

Makipag-ugnayan lamang sa Tanggapan ng Barangay Raniag o makipag-ugnayan kay Bombo Volunteer Albert Valderamos sa pamamagitan ng kaniyang social media account para maihatid ang tulong kay Ginang Perlita.