--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasunog ang isang residential house sa District 1, Cauayan City.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Jojo Dela Cruz,  may-ari ng bahay, sinabi niya na nandoon siya sa kanilang tindahan nang  mapansin niya ang makapal na usok mula sa kanilang bahay.

Nagsimula aniya ang sunog pasado alas-11 ng umaga sa kwarto ng kanyang nanay at idineklarang fireout pasado ala-1 ng hapon.

Batay sa kanyang pagtaya umaabot sa tatlong milyong piso ang halaga ng natupok ng apoy.

--Ads--

Dismayado naman siya na sa kabila ng maraming concerned citizen na tumawag ng bumbero ay natagalan pa rin ang kanilang pagresponde.

Sa ngayon ay na lamang nilang makitira muna sa kanilang mga kamag-anak dahil wala rin silang naisalbang mga gamit.

Nanawagan naman siya sa mga may mabubuting loob na nais magbigay ng tulong sa kanilang pamilya para muling makapagsimula.

Pangunahin sa kanilang kailangan ay mga damit at pagkain.

Tinig ni Jojo Dela Cruz,  may-ari ng nasunog na bahay.