--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinang-ayunan ng Sangguniang Panglunsod ang resolusyon na humihiling sa Board of Directors ng ISELCO II at National Electrification Administration (NEA) na patalsikin sa puwesto si General Manager David Solomon Siquian.

Nag-ugat ang resolusyon sa pagmamanipula umano ng ISELCO II sa gaganapin sanang Annual General Membership Assembly (AGMA) noong linggo sa Delfin Albano at Quezon, Isabela na hindi natuloy dahil sa kawalan ng korum.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Pamahalaang Lunsod ng Ilagan, ang naturang resolusyon ay ipinanukala ni SP member Romel Ballesteros na  chairperson ng Committee on Energy.

Maliban dito ay isang resolusyon din ang inihain ni SP Member Ballesteros na nagmumungkahi sa Board of Director at NEA na gawin ang AGMA sa Lunsod ng Ilagan.

--Ads--

Dahil ikinokonsiderang may pinakamaraming member-consumer ang Lunsod ng Ilagan ay naniniwala siya na may karapatan ang Lunsod na paupuin at iboto ang kanilang pambato para sa Committee on Audit and Inventory.

Ipinasa nila ang resolusyon dahil sa una nang naging pahayag ni Mayor Josemarie Diaz na pababain si GM Siquian dahil sa kuwestiyonable niyang panunungkulan, pagkakaroon ng financial loses at mismanagement sa electric cooperative.