--Ads--

Magsasagawa ng full blown investigation ang Kamara kaugnay sa mga anomalyang umiikot sa nasirang Cabagan-sta. Maria Bridge na may pondong 1.2 billion pesos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela 1st District Rep. Antonio Tonypet Albano, sinabi niya na dahil ang insidente sa pagbagsak ng Cabagan-Sta. Maria Bridge ay nangyari sa unang distrito ng Isabela ay idinulog na niya sa 19th Congress ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa kung ano ang mga lapses sa pangyayari at mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. aniya ang mismong nagsabi na ang naging sanhi ng pagkasira ng isang span ng tulay ay dahil sa design flaw.

Dahil sa isinagawang halalan ay hindi naisakatuparan ang pagsisiyasat sa ilalim ng 19th congress subalit nito lamang Aug.4 ay inihain niya ang isang resolusyon na nilagdaan ni Deputy Speaker Bojie Dy sa Department oif Public Works and Highways at Committee on Good Governance na magbubukas ng isang pagsisiyasat.

Sa isinagawang briefing kasama si DPWH Sec. Manuel Bonoan ay inihayag niya na hindi lamang ang maanomalyang flood control projects ang pagtuunan ng pansin kundi maging ang nasirang tulay lalo na at apektado ang mga residente doon sa panahon ng tag-ulan na umaapaw ang tubig sa ilog at hindi nadadaanan ang lumang Cabagan-Sta. Maria overflow bridge.

--Ads--

Kasabay nito ay inihayag ni Sec. Bonoan na inihahanda na nila ang kasong isasampa sa disigner ng tulay.

Kung matatandaan unang nag propose ng disenyo ng tulay ang JD Design Corporation.

Giit niya ng imungkahi ng Japan sa ilalim ng Overseas Development Assistance Project sa pamumuno ni Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagtatayo ng tulay na nilaanan ng orihinal na 1.8 billion pesos na pondo subalit inihayag umano ng designer na kaya nilang mabuo ang tulay sa halagang 800 million pesos.

Ikinagulat aniya nila dahil mula sa orihinal na 800 million ay umabot ito sa 1.2 billion pesos sa loob ng sampung taon na construction subalit kulang ng 600 million pesos para sana matiyak na matibay ang tulay bago binuksan.

Sa pamamagitan ng tulong ni Cong. Tony Co natuklasan na may kaparehong kompaniya ang nag proproposed ng mga projects na hindi naman viable.

Dahil sa siya ang kinatawan sa unang distrito ng Isabela ay hindi maiwasan ang mga batikos na maging siya umano ay nakinabang sa pondo kaya pinangunahan niya ang pagiimbestiga sa anumang anomalyang ganap sa construction ng tulay para matukoy kung sino ang talagang may kasalanan.

Sa katunayan ay bumuo na sila ng iba’t ibang task force na siyang mangunguna sa pagsisiyasat kasama ang mga concerned agencies ng pamahalaan.