--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaprubahan ni Mayor Edgar Go ng San Mariano, Isabela ang resolusyong nagwawaksi sa pananatili ng Communist Party of the Philippines New Peoples Army (CPP-NPA) sa kanilang bayan at sumusuporta sa mga nabuong barangay Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Una rito ay iniindorso na ng punong bayan sa pambayang konseho ang approved resolusyon ng 36 barangay sa kanilang bayan na naghahayag ng hindi pagsuporta sa CPP-NPA sa pananatili sa kanilang mga barangay.

Sa halip na gamitin ang persona non-grata ay ginawa na lamang itong denouncing the presence of the CPP-NPA.

Ang may akda sa naturang resolusyon ay si Liga ng mga barangay president Eduardo Viernes habang ang co-sponsor naman ay si Sangguniang Bayan member Nemonic Aggabao.

--Ads--
Tinig ni LMB president Eduardo Viernes.