--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaprubahan ng panglunsod na konseho ng Cauayan ang resolution kaugnay sa pagbabayad ng bill sa kuryente.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Panglunsod member Edgardo Atienza, sinabi niya na ang nasabing resolusyon ay humihiling sa ISELCO1 na magpatupad ng staggered payment scheme para sa kanilang mga residential consumers.

Aniya, anim na buwan ang nasa resolusyon at kung ito ay aaprubahan, hahatiin sa anim na buwan ang bill ng kanilang consumer.

Sa kanilang pagbabayad sa kanilang bill sa mga susunod na buwan ay maidadagdag ang kanilang bill na hinati sa anim na buwan.

--Ads--

Nilinaw naman nito, na ito ay para lamang sa kanilang bill habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine.

Ayon pa kay SP member Atienza, pag-uusapan ito bukas, araw ng lunes ng board ng ISELCO1 sa lunsod.

Tinig ni Sangguniang Panglunsod member Edgardo Atienza.