--Ads--

CAUAYAN CITY – Mas mahigpit na seguridad ang ibibigay ng Echague Police Station ngayong gabi dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa pagdaraos ng resort wear at talent competition ng 28 na kandidata ng miss earth 2018 bilang bahagi ng pagdiriwang ng mengal festival.

Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan, sinabi ni Chief Inspector Andy Orilla, hepe ng Echague Police Station na dodoblehin nila ang kanilang pagbbigay ng seguridad para sa mga kandidata, sa mga opisyal ng pamahalaan at mga mamamayan na na dadagsa upang manood sa festival ground sa bayan ng Echague, Isabela.

Inaahasan anyang dagsain ng mga tao ang resort wear at talent competition ng Miss Earth 2018 kaya’t lalo pa nilang hinigpitan ang seguridad para matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Katuwang anya nila sa pagbabantay ng seguridad at pagmamando ng trapiko ang mga kasapi ng Public Order and Safety Unit, mga sundalo, mga kasapi ng PDEA, force multipliers, at mga volunteers.

--Ads--

Kaninang hapon ay dumating na si Police Chief Supt. Jose Mario Espino, Regional Director ng Police Regional Office Number 2 upang pangunahan ang pagbibigay seguridad sa mga manonood at kandidata ng 2018 Miss Earth.