--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy ang monitoring at naka handa na ang lahat ng response asset ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council nsa Lalawigan ng Isabela para sa posibelng epekto ng Typhoon Emong.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Atty. Constante Foronda, sinabi niya na kasalukuyang hinihigop o naapektuhan ng dating Bagyong Dante ang kilos ni Typhoon Emong.

Batay sa forecast ng PAGASA inaasahang mag lalandfall ang Typhoon Emong sa bahagi ng La Union at bahagyang dadaplis sa CAR bago lumabas sa karagatan na sakop ng Pagudpud.

Anumang oras mula ngayon ay posibleng humina rin si emong at maging Severe Tropical Storm muli bago tumama sa kalupaan.

--Ads--

Bagamat nasa signal Number 1 pa lamang ang Isabela ay naghanda sila para sa “worse case senario”.

Nakahanda na ngayon ang response assets kabilang ang WASAR team, mga heavy equipment na gagamitin sa clearing kung kakailanganin.

Sa ngayon pre-positioned na ang mga relief items sa mga bodega sa Ilagan at Santiago maging sa Provincial Capitol.

Pinapayuhan naman ang publiko na maglinis hanggat maaari ng kanilang kapaligiran para maiwasan na mabagsakan sila ng debris gaya ng mga sanga ng punong kahoy kung sakali mang magkaroon ng malakas na epekto ang bagyo.

Matatandaan na kaninang alas-nuebe ng umaga ay sinimulan na ng NIA-MARIIS ang kanilang preventive water releasing para mapanatili ang ligtas na antas ng tubig ng Magat Dam.

Maliban sa Magat Dam at ilog Cagayan babantayan parin ang iba pang water tributaries dahil sa inaasahang malawak na pag-ulan na dala ng bagyo sa kabundukan ng Cordillera Administrative Region o CAR.

Muli ay nagpaalala siya na umiiral ang liqour ban sa lalawigan ng Isabela kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pag-inom ng alak maging pagbebenta ng nakalalasing na inumin.