CAUAYAN CITY – Patuloy na sinisiyasat ng mga otoridad ang pagtangay ng hindi pa kilalang kawatan ang 32-inch na telebisyon matapos makatulog ang may-ari ng isang bahay kainan sa Baretbet Bagabag, Nueva Viscaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Chief Insp. Jenifer Flores, Hepe ng Bagabag Police Station, sinabi niya nakatulog ang may-ari ng 5 A’s restaurant na si Rolando Serquina nang tangayin ang kanyang telebisyon.
Aniya, nagising ang biktima nang gisingin ito ng mga kustomer na kakain sana sa kanilang pwesto.
Dito na niya natuklasan nawawala na ang kanilang tatlumput dalawang pulgadang telebisyon gayundin ang isang DVD player.
Irerekomenda rin nila sa Municipal Peace and Order Council na magkaroon ng CCTV Camera ang mga negosyo na may tatlumpung libo o higit pang puhunan upang mamonitor ang mga nangyayari sa paligid nila.




