Inaresto ng mga otoridad ang isang Restobar owner matapos siyang masamsaman ng droga at baril sa isang police operation sa Barangay Mabini, Santiago City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Hassan Nor Damac, Acting Station Commander ng SCPO Station 4 sinabi niya na ikinasa nila ang operasyon sa bisa ng search warrant na inilabas ni Hukom Nicassio Bautista III ng RTC Branch 621 laban sa suspek na may-ari ng isang Resto bar sa Barangay Mabini dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 at Republic Act 9165.
Nasamsam sa pag iingat ni Marco ang isang 9mm pistol na may siyam na bala, metal replica ng baril at isang pakete ng shabu na may estimated value na P24,000.
Ang suspek at mga narekober ng ebidensya ay nasa kostodiya ngayon ng SCPC Station 4 para sa disposisyon.
Magkakasa naman sila ng malalimang imbestigasyon para matukoy kung saan kinukuha ng suspect ang ibinebentang droga at kung sino ang mga parokyano nito.