Inihayag ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na nagkaroon ng pagbaba sa retail price ng asukal sa bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing, tiniyak ni SRA Administrator Pablo Luiz Azgona na may sapat na suplay ng raw sugar at refined sugar.
Gayunman, sinabi ni Azgona na ang retail prices ng raw sugar ay bumaba ng P73 kada kilogram.
Sa kabilang dako, sinabi ni Agzona na ang retail price ng washed sugar ay bumaba ng 12% o P76 per kilogram habang ang refined sugar retail prices ay bumaba naman ng 1% at ngayon ay P86 per kilogram.
Sa pagkukumpara sa March 2024 SRA report, bumaba ang presyo mula P82 para sa washed sugar at P88 para naman sa refined sugar.
Samantala, ibinahagi naman ni Azgona ang illegal sugar imports na nakumpiska sa loob ng bansa na ibinigay naman sa Department of Agriculture o ipinagbili sa pamamagitan ng auctions na isinagawa ng Bureau of Customs.
Dagdag pa ni Argonza bahagyang bumaba ang demand sa refined sugar sa industriya ng halos 4%. Gayunpaman, tumaas ng 22% ang demand para sa locally produced refined sugar. Samantala, ang demand para sa imported na asukal ay bumaba ng 32%.