--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang retired insurance agent matapos na masangkot sa aksidente sa Plaridel, Santiago City.

Ang biktima ay ang tsuper ng toyota vios Sedan na si Virgilio Nunez, 63-anyos, retired insurance agent, may asawa at residente rin ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Santiago City Police Office (SCPO) Traffic Enforcement Unit, binabagtas ni Nunez ang daan sa Roque St. Extension patungong pambansang lansangan nang bigla na lamang siyang nawalan ng kontrol sa manibela dahilan para masalpok nito ang nakaparadang Nissan Navarra Pick Up na pagmamay-ari ni Orlando Castillo, 56-anyos, retiradong pulis at residente ng Batal, Santiago City.

Nabangga rin nito ang gutter at nabunggo ang barbed wire na bakod na nasa gilid ng daan.

--Ads--

Dahil dito, nawalan ng malay si Nunez na agad dinala sa isang pagamutan sa lunsod subalit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Sa ngayon ay inaalam pa kung human error o mechanical error ang sanhi ng aksidente.