--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang retired US Navy pagkatapos itong masamsaman ng baril at mga bala sa isang lehitimong operasyon ng PNP sa Purok 4, Brgy. Casibarag Sur, Cabagan, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Merwin Villanueva ang hepe ng Cabagan Police Station sinabi niya na subject sa search warrant si Alyas Gerald isang retired US Navy na residente ng Brgy. Casibarag Sur, Cabagan, Isabela.

Aniya ang operasyon ay pinangunahan ng pinagsanib na pwersa ng Cabagan PS , 201st Company RMFB2, PIU-IPPO, at RIU2 na nagresulta para masamsam mula sa pag-iingat ng suspek ang sang unit ng itim na caliber .45  na may stainless magazine; 12 pirasong bala ng 12GA shotgun; pitong bala ng caliber .45; at isang kulay itim na box ng caliber .45.

Ang suspek na itinago sa pangalang Gerald ay mahaharap sa kasong RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

--Ads--

Ayon sa suspek ang mga bala ay nakuha niya mula sa kaniyang mga magulang at pag-uwi sa Pilipinas apat na taon na ang nakakalipas ay dito siya bumili ng baril subalit wala siyang permit at walang mga dokumento.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Cabagan Police Station kasama ang mga ebidensyang nasamsam ng Pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Samanatala ,nanatiling mapayapa parin ang bayan ng Cabagan dahil ito ang unang pagkakataong nakasamsam sila ng baril ngayong Election Period dahil sa wala namang mainit na labanan sa politika sa kanilang nasasakupan.

Naging maaayos din ang koordinasyon ng PNP at komunidad sa isinasagawa nilang COMELEC Checkpoints.