--Ads--

Nagsalita na ang aktres na si Rhian Ramos at kinumpirmang hiwalay na sila ni Sam Verzosa.

Sa isang panayam, sinabi ni Rhian na komportable na siyang pag-usapan ang kanilang breakup matapos mauna itong kumpirmahin ni Sam sa isang hiwalay na panayam.

Ibinahagi niya na naghiwalay sila noong Oktubre 2025.

Tinanong din si Rhian kung nag-uusap pa ba sila ni Sam at aniya, normal at healthy ang “no contact time” pagkatapos ng hiwalayan upang makapag-heal at makapag-move on ang bawat isa.

--Ads--

Bago ang hiwalayan, nagdiwang pa ng kanilang fourth anniversary sina Rhian at Sam noong Agosto 2025.

Naging mitsa naman ng mga haka-haka tungkol sa kanilang relasyon nang mapansin ng netizens noong Disyembre 2025 na nag-unfollow na sila sa isa’t isa sa Instagram.