Welcome development para sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang hakbang ng pamahalaan na suspendihin ang importasyon ng bigas sa bansa at muling pagtaas ng taripa ng mga imported rice.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SINAG Chairman Rosendo So, sinabi niya na malaki ang epekto ang naturang hakbang upang mapataas ang presyo ng palay sa bansa.
Sa pamamagitan nito ay mahihikayat din ang mga traders na bumili ng palay sa mga lokal na magsasaka sa malaking halaga dahil kung madaragdagan ang buwis ng mga imported na bigas.
Batay sa monitoring ng grupo, umabot sa 9 pesos ang pinakamababang presyo ng sariwang palay sa bansa na lubhang nakakabahala para sa kabuhayan ng mga magsasaka.
Ayon kay So, dapat suportahan ng pamahalaan ang mga lokal na magsasaka upang mas maparami ang produksyon ng palay sa bansa at maging stable ang presyo ng bigas.











