--Ads--

CAUAYAN CITY- Ang mga magsasaka ang pangunahing maapektuhan sa pagsasabata na ng rice tarrification bill.

Ito ang binigyang diin sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan ni G. Ernesto Subia , pangulo ng rice millers association region 2.

Sinabi pa niya na hindi apektado ang mga rice millers kaugnay sa pagkakalagda na ni Pres. Rodrigo Duterte sa rice tarrification bill dahil maaari pa rin naman silang bumili ng mga panindang palay ng mga local na magsasaka.

Pangunahin anyang maapektuhan ang mga magsasaka dahil bababa ang presyo ng kanilang mga ani upang maging mas mababa ang presyo ng mga local rice kumpara sa mga imported na bigas.

--Ads--

Sinabi pa ni G. Subia na ang mga malalaking negosyanteng nasa hanay ng manufacturing ang naglobby para mapagtibay ang nasabing panukala upang bumagsak ang halaga ng bigas sa bansa na maging pabor sa kanila.