--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinanindigan ng rice millers association region 2 na walang nagaganap na rice hoarding sa ikalawang rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Erning Subia, Pangulo ng Rice Millers Association Region 2 na nakahanda naman silang ipasuri ang mga warehouses ng bigas.

Sinabi pa ni G. Subia na mabigat pakinggan ang salitang raid ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sa mga warehouses ng bigas at dapat inspection ang ginagamit na salita .

Anya nakahanda naman silang ipakita ang kanilang mga bodega.

--Ads--

Sinabi pa ni G. Subia na kanyang iminungkahi noon sa Pangulo na dapat kada buwan na magsagawa ng inspeksiyon ang mga kawani ng NFA sa warehouses ng mga rice millers.

Sinabi pa ng pinuno ng rice millers association Region 2 na mayroong nagaganap na rice hoarding kapag panahon ng kalamidad ngunit kanyang pinanindigan na walang rice hoarding pangunahin na sa Isabela kundi kailangan lamang ang stock sa bigas para sa lean months o habang hinihintay ang anihan.

Hindi rin anya maaring itagi ang mga bigas dahil ang kanilang puhunan ay inutang sa bangko na kinakailangan nilang bayaran.