--Ads--

CAUAYAN CITY – Mananatili ang kasalukuyang presyo ng palay ayon sa Rice Miller’s Association sa kabila sa nararanasang pag-ulan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ernesto Subia ang Presidente ng Rice Miller’s Association ng Region 2 sinabi niya na hindi naman talaga sila nag stop buying ng palay subalit dahil sa nakaranas ng pag-ulan ay ipinatupad nila ang slow buying.

Aniya ang dahilan nito ay dahil sa nahihirapan sila sa pagpapatuyo ng mga basang palay sa maiksing panahon ng pag-aani.

Sa ngayon ay hindi lamang mga rice millers ang nangangailangang mag adjust ngayong panahon ng pag-ulan kundi maging mga magsasaka.

--Ads--

Kailangan aniya ng maayos na usapan sa mga miller at farmers sa pag-aani ng mga palay dahil kahit may mechanical dryers ang karamihan ng mga millers ay hindi naman maaaring bilhin nila ang ibinebentang palay na basa at hindi naarawan.

Nanatili naman ngayon sa 18 pesos per kilo ang bili nila sa basang palay subalit nag babago bago ang presyo nito depende sa lagay ng panahon.

Wala namang nakikitang epekto ang Rice Millers Association sa presyo ng bigas ang pagbabawas ng taripa sa mga imported na bigas mula 35 hanggang 15%.