--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaasahang maipapasa na sa Lunes ang 3rd at final reading sa mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill 5433 ( rice tariffication bill ) na naglalayong alisin ang kontroladong pag-import ng bigas sa bansa at pagpapataw ng tariff sa mga imported na bigas sa halip na ipatupad ang kasalukuyang import quota.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng pangunahing may-akda sa panukala na si ANAC IP Partylist Representative Jose Panganiban Jr., Chairman ng House Agriculture and Food Committee na sa ngayon ay kontrolado ang pagpasok ng imported na bigas sa bansa dahil kasunduan ng pamahalaan sa World Trade Organization (WTO) na naglilimita sa 8,500 metric tons na bigas ang maaring bilihing ng pamahalaan sa labas ng bansa na mayroong minimum na tariff

Sa House Bill 5433 ay aalisin na ang volume restrictions at maaring mag-import ng bigas ang ibang mga negosyante may mababang tariff.

Tiniyak naman ni ANAC-IP Representative Panganiban na ang panukalang batas ay hindi makakaapekto sa mga local na magsasaka dahil itataas ang pagbili ng National Food Authority ( NFA) sa mga produktong palay ng mga magsasaka

--Ads--

Sinabi pa ni Kinatawan Panganiban na inabot sila ng madaling araw sa pagtalakay sa Rice Tariffication Bill sa pangalawang pagbasa at sa lunes, August 6, 2018 ay tuluyan nang maipasa sa 3rd at final reading sa Kamara.