--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinawi ng pangunahing may-akda ng rice tariffication bill ang pangambang makakaapekto ang panukala sa mga lokal na magsasaka

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni ANAC-IP Partylist Representative Jose Panganiban Jr., na sa botong 200 sumang-ayon, 7 tumutol at dalawang nag-abstain ay pumasa na sa ikatlong at huling pagbasa sa KAMARA ang house bill 7735 o rice tariffication bill.

Sinabi ni Kinatawan Panganiban na sa period of amendments ay wala namang major changes o amandments sa rice tarrification bill.

Anya sa nasabing panukala ay magpapawalang bisa sa committment sa World Trade Organization (WTO) noong 1995 na komokontrol sa pagpasok ng mga imported na bigas sa bansa sa pamamagitan ng volume restrictions ngunit nagpaso na ito noong 2017.

--Ads--

Ang house bill 7735 ay ang magiging kalutasan sa pagmahal ng bigas dahil ang imported na bigas ay mababa sa production cost na nagkakahalaga lang ng Php27.00 kada kilo habang ang local production cost ay Php34.00 kada kilo.

Nangangahulugan ito na kapag dumami ang imported na bigas sa bansa ay bababa na ang presyo at maging ang inflation rate ay bababa na rin

Sinabi pa ni Cong. Panganiban na kahit na open ang pagpasok ng imported na bigas ay nakasaad sa nasabing panukala na ang lahat ng taripa na ipapataw sa imported na bigas ay iipunin sa tinatawag na rice competitiveness enhancement fund.

Ang nasabing pondo ay direktang itutulong sa mga magsasaka.