--Ads--

Muling nagpaalala ang Luna Police Station sa mga motorista na maging maingat kapag nagmamaneho ng motorsiklo ito ay matapos na masawi ang isang motorcycle rider dahil sa pagkalunod.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan natanggap ng Luna Police Station ang ulat kaugnay sa natangpuang bangkay ng isang lalaki sa isang irrigation canal.

Nakilala ang nasawing biktima na si Nestor De Vera, 25-anyos na residente ng Reina Mercedes, Isabela.

Ayon sa Pulisya lulan ang biktima ng kaniyang motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng Purok 1 Barangay Dadap, Luna Isabela nang mawalan ng kontrol ang biktima sa motorsiklo at mahulog sa irigasyon sa gilid ng daan.

--Ads--

Patay na ng dalhin sa pagamutan ang biktima habang nagtamo naman ng hindi pa matukoy na pinsala ang motorsiklo nito.