--Ads--

CAUAYAN CITY- Isa ang patay at isa ang nasugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Naguillian, Isabela.

Ang suspek ay si Jonel Marayag, 22 anyos, residente ng barangay Palattao, Naguilian habang ang biktima namatay ay si Don Felarosa Marfil, nasa tamang edad at residente rin ng nasabing barangay .

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provicial Office, binabagtas ng biktima ang lansangan na bahagi ng naturang barangay nang siya ay kakanan sana sa isa pang barangay road subalit nakasalubong at nakabanggaan nito ang isa pang motorsiklo na minamaneho ng suspek na papalabas sa naturang barangay road.

Dito tumilapon ang dalawang sakay ng motorsiklo at sila ay nagtamo ng malalang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

--Ads--

Agad dinala sa pagamutan ang mga sangkot subalit ideneklara ring dead on arival ang biktima.