--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos na sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa nakaparadang armored van.

 Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Melchor Agabao ang Hepe ng Tumauini Police Station sinabi niya na habang nagdedeliver umano ng pera ang putting armored van ay may isa pang armored van na kulay blue ang dumating.

Habang nakaparada umano ito ay sumalpok dito ang isang single motorcycle na minamaneho ni Danilo, 29-anyos na residente ng Lanna, Tumauini, Isabela.

Sa lakas ng pagsalpok ng motorsiklo ay tumilapon pa ang driver nito sa kabilang linya ng kalsada.

--Ads--

Nadala pa sa pagamutan ang tsuper ng motorsiklo subalit idineklarang dead on arrival.

Bago ang insidente ay nag report umano sa himpilan ng Pulisya ang misis ng biktima kaugnay sa kalasingan ng kaniyang mister.

Habang sinusundan umano ng misis ang mister ay  dito na  umano sumalpok ang motorsiklo nito sa armored van.

Nagpahayag naman ng kahandaan ng kumpaniyang nagmamay-ari ng armored van na magbigay ng tulong sa pamilya ng nasawing biktima.