--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos bumangga sa poste ng kuryente ang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Ibung, Villaverde, Nueva Vizcaya.

Ang nasawi ay si Bhenson Gines, 19 anyos, at residente ng Brgy. Nagbitin, Villaverde, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Reynaldo Agrave, Deputy Chief of Police ng Villaverde Municipal Police Station, galing umano sa pagtitipon ang biktima at patungo sana sa sentro ng Villaverde.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay bigla na lang umanong nawalan ng kontrol ang biktima sa kanyang motorsiklo at sinalpok ang poste ng kuryente sa gilid ng kalsada.

--Ads--

Sa lakas ng pagbangga ay nagtamo ng malalang pinsala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimana dinala pa sa pagamutan ng mga rescuer subalit idineklara nang dead on arrival ng attending physician.

Ayon sa pulisya, posibleng nasa impluwensiya ng nakakalasing na inumin ang biktima na wala ring suot na helmet nang mangyayari ang insidente.