--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang rider matapos ang banggaan ng motorsiklo at pampasaherong bus sa Cabagan Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Lomido Talosig, animnaput dalawang taong gulang, walang trabaho at residente ng Caniogan Alto Santo Tomas Isabela habang ang bus na nabangga nito ay isang Florida transport na minaneho ni Fortunato Massigan, apatnaput isang taong gulang, may asawa at residente ng Liwanag Tumauini Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Natividad Tumabat, Operations Officer ng Cabagan Police Station, sinabi niya na pauwi na sa kanilang bahay si Talosig sakay ng kanyang motorsiklo at nakasalubong ang bus na patungo naman sa Maynila.

Batay sa kanilang pagsisiyasat umagaw ng linya ang tsuper ng motorsiklo kaya nagkaroon ng head-on collision sa kasalubong na bus.

--Ads--

Napag-alaman naman ng pulisya na lasing si Talosig nang mangyari ang insidente at wala ring suot na helmet.

Dahil sa head-on collision ay nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang biktima na nadala pa sa Milagros District Hospital ngunit idineklara nang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Ayon kay PLt. Tumabat, huminto na ang bus ngunit nabangga pa rin ito ng kasalubong na motorsiklo.