--Ads--

CAUAYAN CITY – Posibleng umiral muli sa mga susunod na araw ang Ridge of High Pressure Area na nagdadala ng mainit na panahon sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chief Meteorologist  Ramil Tuppil ng DOST PAGASA – Echague, Isabela, sinabi niya na hanggang ngayong araw na lamang ang pag-iral ng frontal system na nagdadala ng kaulapan at mga pag-ulan sa lalawigan ng Cagayan at Batanes.

Dahil anya sa pagsasalubong ng North-easterly windflow at easterlies kung kayat nabubuo ang frontal system na nagdadala ng mga kaulapan sa mga apektadong lugar.

Sa kabila naman ng muling pag-iral ng Ridge of High Pressure Area sa mga susunod na araw ay inaasahan anyang mas mababa na ang heat index na mararanasan kung saan posible itong maglaro sa 40 – 41 degree Celsius sa lalawigan ng Isabela.

--Ads--