--Ads--

Nanguna ang motorsiklo sa mga naitalang road crash injuries sa bansa nitong holidays, kabilang ang lima na kumpirmadong nasawi.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), sa kabuuang 1,113 road crash injuries na naitala nila mula sa 10 sentinel hospitals mula Disyembre 21, 2025 hanggang Enero 2, 2026, nasa 787 o 71% ang kinasangkutan ng mga motorsiklo.

Ayon sa DOH, ang naturang bilang ay 82% na mas mataas kumpara sa naitalang mga aksidente sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Sa kabuuang kaso, 68 ang bago o karagdagan lamang simula noong Disyembre 21.

--Ads--

Pito naman sa mga biktima ang nasawi dahil sa naturang road accidents nitong holidays, kabilang ang limang nasangkot sa aksidente sa motorsiklo habang dalawa ang pedestrian.

Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng DOH sa mga riders na maging maingat sa kanilang pagmamaneho at ugaliing magsuot ng de kalidad na helmet.

Pinaalalahanan rin ng DOH ang mga motorista na huwag nang magmaneho kung sila ay nakainom ng alak, pagod o puyat upang makaiwas sa aksidente.

Babala pa ng DOH, maaaaring maharap sa kaukulang parusa ang sinumang motorista na lalabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.