CAUAYAN CITY- Mas lalong pinaigting ng Luna Police Station ang kanilang kampanya na naglalayong mabawasan ang mga naitatalang insidete sa lansangan sa kanilang nasasakupan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jonathan Ramos, Chief of Police ng Luna Police Station, sinabi niya na simula noong siya ay maupong Hepe ng naturang himpilan noong Marso 2025 ay binigyang prayoridad nito ang paglalagay ng streetlights sa mga pangunahing lansangan.
Nakipag-ugnayan aniya siya sa pamahalaang lokal ng Luna at sa ngayon ay mayroon nang ilang bahagi ng pambansang lansangan ang naliwanagan na habang inaantay pang mailawan ang kabuuang bahagi ng kalsada na kanilang nasasakupan.
Patuloy din ang pagpapatrolya ng kanilang hanay sa mga strategic places pangunahin na sa lansangan upang mabawasan ang vehicular accident.
Samantala, ipinagmalaki naman ng kanilang hanay ang matagumpay na 3-5 minute response time ng mga kapulisan sa tuwing may tumatawag sa 911.
Satisfied naman umano ang publiko dahil sa mas pinabilis na pagtugon ng mga kapulisan sa mga naitatalang insidente.
Nagpapatuloy din sa ngayon ang pagiging drug-cleared municipality ng bayan ng Luna at kamakailan lamang ay naideklara rin bilang drug-free workplace ang kanilang tanggapan.
Gayunpaman ay tuloy-tuloy pa rin ang monitoring ng kanilang hanay sa pamamagitan ng BADAC o ang Barangay Anti-Drug Advocacy Council at sa ngayon ay wala pa silang namonitor na bumalik sa pagtitinda ng ilegal na droga.







