Road crash incidents, pangunahing naitatala sa Bayan ng Angadanan, Isabela sa kabila ng mababang crime incidents
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Elizabeth Diaz, Deputy Chief of Police ng Angadanan Police Station, sinabi niya na mapayapa ang naturang bayan dahil batay sa kanilang talaan, umabot lamang sa walo ang naitalang krimen mula Enero 2025 hanggang kasalukuyan — mas mababa kumpara sa 30 krimen na naitala noong nakaraang taon.
Nakapagtala rin sila ng 31 operational accomplishments, kabilang ang pag-aresto sa mga wanted person sa regional at provincial level, maliban sa isang most wanted person.
Karaniwang naitatala ang mga paglabag sa special laws, child abuse, robbery, damage to property, at acts of lasciviousness.
Ang pagbaba ng krimen ay bunga ng maigting na presensya ng kanilang mga tauhan sa mga lansangan at kakalsadahan sa Bayan ng Angadanan.
Dahil sa mataas na bilang ng mga nadidisgrasya, puspusan ang kanilang police visibility kasabay ng 24/7 checkpoint upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.
Aktibo pa rin ang unified emergency hotline na maaaring tawagan ng publiko, bukod pa sa kanilang Facebook accounts at iba pang emergency contact numbers.
Tuloy-tuloy ang kanilang best practices kabilang ang Project Bamboo at Project Rosa.
Sa usapin ng droga, hinihintay na lamang ng kanilang hanay ang unveiling ng PNP Angadanan bilang drug-free workplace sa susunod na taon matapos makamit ang mga itinakdang requirements ng PDEA.
Samantala, inaasahang i-maximize ng kanilang himpilan ang deployment ng mga tauhan bilang paghahanda sa augmentation na ipapadala ng IPPO sa Maynila bilang bahagi muli ng Civil Disturbance Management sa Nobyembre 30.











