Magsasagawa ang Isabela Highway Patrol Group ng mga seminar sa mga police station sa lalawigan, LGU offices, at paaralan upang matugunan ang lumalalang bilang ng vehicular accidents sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay P/Maj. Renoli Baggayao ng HPG Isabela, isa sa mga pangunahing tututukan nila ngayong taon ay ang aksidente sa kalsada.
Naiparating na sa kanilang opisina ang plano para sa mga seminar at naghihintay na lamang sila ng petsa at lugar kung saan ito isasagawa.
Magiging bahagi na ito ng araw-araw na mandato ng HPG Isabela upang makapagpakalat ng impormasyon at kaalaman sa komunidad at mga ahensya ng gobyerno hinggil sa tamang pagpapatakbo ng sasakyan at wastong disiplina sa lansangan.
Ayon pa sa HPG, bibigyang-pansin nila ang mga paaralan na may mataas na bilang ng mga estudyanteng nagmamaneho ng motorsiklo.











