--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinasagawa ngayong araw ang road safety summit sa Nueva Vizcaya na layuning maibaba ang bilang ng aksidente sa mga daan

Ito ay matapos lumabas sa mga report ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) sa mga nagdaang Provincial Peace and Order Council meeting na tumataas ang bilang ng mga namamatay at nasusugatan dahil sa mga aksidente.

Sa ulat ng NVPPO, isa ang physical injury sa top three na pinakamaraming kaso sa hanay ng index crimes.

Bagamat bumaba ang bilang ng mga naaksidente sa nakaraang buwan, mataas umano ito simula noong taong 2015 hanggang 2017.

--Ads--

Mula Abril 1 hanggang July 15, 2018 umaabot sa 553 na traffic incidents ang nairala sa Nueva Vizcaya, 265 ang nagbunga ng physical injury, 265 ang damage to property at 22 ang nagbunga sa pagkamatay.

Tumaas din ang bilang ng mga naaksidente sa ilang bayan kabilang na sa ang Aritao na may 69 na kaso), Bambang 37, Dupax del Sur 7 Kayapa 14 at Villaverde 15.

Ayon kay P/ Sr. Supt Jeremias Aglugub, Provincial Director ng NVPPO na ang pagsasagagawa ng summit ay upang maipaalala sa mga tsuper, operator, riders organization at TODA officials ang mga batas trapiko at safety regulations na dapat ginagawa.

Pag-aaralan din kung ano ang mga karagdagang hakbang na gagawin upang makaiwas pa ng aksidente na nagdudulot ng pagkamatay, pagkasugat at pagkasira ng mga ari-arian.

Ang naturang summit ay hinati sa dalawa at isinasagawa ito sa Northern part ng Nueva Vizcaya habang sa ika-17 ng Agosto sa southern part ng lalawigan.