Dumating si dating Undersecretary ng Department of Public Works and Highways Roberto Bernardo upang magsagawa ng testimonya sa Sandiganbayan Sixth Division ngayong Martes, Marso 17.
Ito ay kaugnay ng paglilitis sa mga opisyal ng DPWH-Mimaropa na kasuhan ng malversation dahil sa umano’y anomalya sa proyekto ng road dike sa Oriental Mindoro.
Si Bernardo ay isang state witness sa mga kasong may kinalaman sa scam sa flood control projects at sakop ng Witness Protection Program.
Kabilang sa mga DPWH-Mimaropa officials na naunang humarap sa Sandiganbayan at nagdeklara ng “not guilty” sa kaso ng malversation at graft ay sina: Gerald Pacanan, Gene Altea, Ruben Delos Santos Jr., Dominic Serrano, Lerma Cayco, Felisardo Casuno, Dennis Abagon, Juliet Calvo, at Montrexis





